Proud akong ipakilala sa inyo ang bestfriend ko na si Jhengpot! Insert picture here...
This week ang alis niya papuntang Cebu, doon siya for quite a while. Honestly, nalungkot ako nun sinabi niya yun sa akin. Iniisip ko, paano na ko e ang layo layo na niya. Buti sana kung mayaman ako, may pang airfare ako papunta dun. Kung iisipin ang selfish ko kasi mas inaalala ko yung sarili ko samantalang siya mag-isa lang siyang pupunta dun. She's a very strong person, sabi nga niya mas okay na daw na sa Cebu siya dalhin kaysa sa Zamboanga. She knows how to count her blessings.
Lagi niya pinapalakas yung loob ko. Lagi niya sinasabi na wag ako paaapi. Very sweet at thoughtful na kaibigan. A constant source of strenght. Nun niloko ako nung ex ko, mas galit pa siya kaysa sa akin. Haha! Matigas kasi ulo ko, sinabi na niya na di siya favor makipagbalikan ako dun. E ayun, di ako nakinig. Ano napala? E di naloko ng bonggang bongga. Pero kahit ganun pa man, she still showed how much she care. At kung anong klaseng kaibigan siya. Sabi lang niya, "I told you". Sabi ko nga, next time makikinig na ako.
Thank you for always being there. Love you bes! Promise, magiipon ako para madalaw kita dun.
Thanks!=)
Aww mahirap mahiwalay sa best friend, it happened to me years ago pero until now, best friends pa rin ang turingan namin. People come and go pero yung mga tunay na best friend, permanent...
ReplyDeleteglentot - true!masarap ikeep yung kaibigan na who will stand by you no matter what. Thanks sa pagdalaw!=)
ReplyDelete